I actually ran out of thing to write. I decided to scan some old folders which I remembered I wrote ka-corny-han stuff years ago.. Here’s what I found… 🙂
Bitter…
I guess that’s me… bitter. Or should I cancel the phrase I guess kasi totoo naman talaga.
Bitter ako.
Love? Walang love. Sorry, no offense sa makakabasa nito na naniniwala sa love. This is a democratic country. Nasa bill of rights ang freedom of expression.
Kasi naman… ewan ko, dahil siguro sa experience kaya nagkaganito ako? Hindi ko pa kasi matatawag na love yung mga crush-crush ko sa highschool kasi… I mean, highschool is highschool diba?
It’s just pure infatuation.
Sa totoo lang, siguro, hindi ko pa naramdaman yun. Yung feeling na lagi kong nawi-witness sa mga kaibigan ko.
Yung saya… yung kilig… and sa huli… yung heartbreak… yung pain… yung luha.
Hindi ko alam kung gusto ko ba ma-experience yun or what… minsan gusto ko… minsan ayaw.
Pero gusto ko ma-experience yung heartbreak, yung pain at yung luha. Kasi masokista ako eh.
Masokista or masochist yan yung mga taong masaya na nasasaktan sila. At yan ako. I actually love the feeling of pain… I love crying until my eyes swell. Gustong-gusto ko yan.
And when I entered college. Tama na naman ang Papa ko nung sinabi niyang maturity comes with age. Kasi daw, he finally saw a mature sixteen year old daughter nung nag-college ako.
Lahat ng perception ko sa mga bagay-bagay naging mature. Minsan, pinagtatawanan ko pa yung sarili ko kapag naaalala ko yung mga kalokohan ko nung highschool. Yung… sobrang immature ko.
One time nalaman kong may girlfriend yung crush ko… umiyak ako.
And that’s what I call immaturity. As if namang may right akong umiyak nung time na yun diba?
I realize how ironic my life is. Cause I’m actually an ‘informal writer’. I write stories. Stories na maraming makaka-relate. Alam niyo na kung anong genre yun.
Napa-status pa ako sa facebook na…
Ironic, I write stories but I don’t even experience the things that I write.
Kasi totoo naman talaga. Hindi pa nangyayari sa akin ang mga bagay na yun. At parang sa sarili ko sinasabi ko na… ayaw ko ring mangyari sa akin yun.
And then something happened…
Itong pangyayaring to… para siyang end of the world… biglang dumating na wala man lang pasabi. Ganun.
Hindi ko alam kung ang dali ko lang ma-woo or ang tanga ko lang talaga. Or pareho yun. Basta.
Kasi… I actually don’t know how to say this.
Parang may na-feel akong ‘something’ sa isang tao. At etong taong to, kelan ko lang na-meet. Ngayon ko nga lang nalaman na nag-iexist pala siya.
Pero there’s just something with this person. There’s something about him kaya nagkaganito ako.
There’s just something about him but I just can’t figure what that thing is.
Tapos yun, pumasok sa sense ko yung sinabi ng favorite kong author sa akin…
Yung love wala yang kahit anong rason. Sa una maguguluhan ka. Kung tatanungin ka kung bakit mahal mo yang taong yan wala kang mahanap na reason. Cause that’s love. It has no reason. Period.
Love? Hindi to love. Ayokong maging love to.
Nung time na yun, I was in the state of denial. Pero kahit anong deny ko meron talaga eh. As in, inuntog ko yung ulo ko sa pinto ng kwarto ko (seryoso) para mawala. Pero as if namang effective yun.
Hanggang sa shinare ko na sa buong mundo yung nangyayari sa akin. Status. Group message.
Ang nakakatawa lang… pag may nagtatanong pinapahula ko lang sa kanila… and yung guess nila is siya. Yung taong yun.
It actually made me hope for something.
Kasi nung time na yun sobrang nainis ako sa sarili ko… kasi hindi ako to eh. This is abnormality. This is not the usual me. Hindi ako naglalablayp! My gas!
At sinabi ko sa sarili ko na…
KALIMUTAN MO YAN RAN! DAPAT MAWALA YAN! ASAP!
Nag-confide ako sa mga ka-close ko. Sabi nila normal daw to. Pero ako sinasabi kong HINDI! Ayoko nga. Hindi ako to. This is not the usual me. This isn’t me.
Kasi in the first place, hindi ako yung taong madaling magkacrush sa isang tao. Hindi talaga ako yun. Kaya sabi na lang ni ****** may something kay **** na nagpabago sa ‘kin.
Ok, this may sound corny pero… palagi ko siyang naiisip (yak!). Kahit sa dream andun siya, kahit sa paggising ko sa morning siya naiisip ko. Nababaliw na ako. Hindi talaga to ako.
Hanggang sa…
Na-prove ko sa sarili kong… love na yata to.
Cause of this incident na nakita ko sa isang social networking site niya. I don’t want to say that incident kasi… para sa ‘kin hindi siya magandang pag-usapan.
Nung nakita ko yun, nag-iba mood ko… na biglang nakitingin ang lola ko sa laptop kasi naging teary daw ang mga mata ko.
At yung sinabi kong rason?
Wala to La. Dahil to sa astigmatism ko.
Eh yung nagsinungaling talaga ako sa Lola ko dahil sa kanya. Lagot.
I was actually hurt. I was actually in pain. I was actually broken hearted (another yak!).
Kasi umiyak ako. Sheez, umiyak ako. Tapos ayun… sumunod ang blame.
Sino pa bang ibi-blame ko… sarili ko diba? In the first place, it’s my fault. Kung sa una pa lang pinigilan ko na di sana ako nagkakaganito ngayon.
Eh yung ang eng-eng ko talaga.
And to make this short… eto pala yung rason kung bakit ang bitter ko… kung bakit ayaw ko maka-feel ng ganito kasi alam kong eto yung mangyayari.
Kasi kahit gano ko nai-enjoy ang pag-iyak dahil sa sakit… masakit pa rin talaga… at alam kong makakasama to sa ‘kin.
Ewan. Siguro ganito ako forever. Bitter. Ampalaya.
Sino kaya yung taong makakapag-transform sa akin from bitter to sweet.
At magiging hipokrita ako kung hindi ko sasabihin na…
Gusto kong siya yung taong yun.
Pero wala na… alam kong wala akong pag-asa (ang emo ko na).
First time to… na nasulat ko tong kawalangyaang to sa buhay ko.
(kasi naman wala akong ibang magawa sa buhay ko kasi sira yung cable network namin sa bahay kaya di ako makapanood ng TV)
Eto ako… parang alter-ego. Parang pinapakita ko ang pagka-writer ko kuno.
Back to the issue…
Or issue ba talaga… Basta, ang akin lang, gusto ko bumalik ako sa dating ako. Yung walang iniisip na ka-emo-han. Na kontento na sa mga kinikwento ng mga kaibigan ko about sa lovelife.
Kasi ayokong magkalovelife mga chong. Ayoko talaga.
Siguro mas maganda yung dating ako. Mas maayos ako. Hindi ako abnormal.
Yung dating ako.
Yung bitter.